Thursday, August 22, 2013

Isang Kwento ng Pagkakasala, Pagsisisi at Pakikipagkasundo - ANAK

The post bellow was our project for Christian Living Education and for Filipino. I thought that it would be fitting to share this here.
_______________________________________________________________________________

ANG ALIBUGHANG ANAK


              Ang parabula ng Alibughang Anak ay matatagpuan sa Ebanghelyo ayon ay San Lucas (Lc 15:11-32). Ito ay tungkol sa isang anak na noo'y binibigyan ng lahat ng kanyang ama ngunit  ito'y kanyang iniwan at kinuha nito ang lahat ng ari-ariang ipapamana sa kanya ng kanyang ama. Nilustay ito ng anak, nagpakasaya ito, ginastos ang pera sa babae, sa pagkai't inumin at sa iba pang mga makamundong bagay. Tulad ng kahit anong ginagasta, ang kanyang pera ay naubos. Naghanap ang anak ng kanyang maaring pagkakitaan. Siya ay pumasok bilang isang tagapagpakain ng baboy. Kanyang napagtanto ang paghihirap kanyang dinaranas ay hindi hindi niya matatamo kung siya ay nanatili sa piling ng kanyang ama. Pinagsisihan niya ang kanyang pagkakasala at siya'y bumalik sa kanyang ama. Malugod siyang tinanggap ng ama at ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik. Sabi nga ng ama "Nararapat lamang ipagbunyi ang pagbabalik ng iyong kapatid. Siya'y namatay ngunit muling nabuhay. Siya'y nawala ngunit ngayo'y natagpuan na."

              Ganito ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Kahit tayo ay tumulad sa anak na hiwalay sa ama at nagpakalayo upang magtamasa ng makamundong aliw, ang ama ay laging naghihintay sa ating pagbabalik sa kanya. Tayo ay kanyang tatanggapin kung tayo lamang ay magsisisi at tumalima sa kanyang mga utos.  

"ANAK"

Isang kwento ng Pagkakasala, Pagsisisi at Pakikipagkasundo


(All pictures that will be used from this part onward is courtesy of Chazz Ramos of St. Digna)

               Ang naging pinakamalaking kontribusyon ko sa pagtatanghan ng "Anak" ng pangkat ng Santa Digna ng USTHS ay ang mismong istorya nito. Sa aking pagsulat ng istorya ng "Anak", pumasok sa aking isip ang pagsama sa ilang elemento ng kasalukuyang pamumuhay: pamilya, pag-ibig, barkada, luho, at ang pakikipagsanggalang ng Simbahan para sa dangal ng bawat tao. Ayon nga sa ibang nakabasa ng buong iskript ng Anak, nagkaroon raw ng magandang paghahalo ang mga elementong ito at nakabuo ng napagandang istoryang base sa parabula ng Alibughang Anak. 

Upang mabigyan kayo ng ideya tungkol sa istorya ng anak, narito ang ilang mga larawan ng pagtatanghal kasama ang ilan sa aking mga deskripsyon sa mga pangyayari.

"....ngayon, marami sa ating mga kapatid ang nakakaranas ng pang-aapi. Maraming mga grupo ang naglipana na nananamantala hindi lamang sa mga biktima nito ngunit pati na rin sa mga kasapi mismo nito. Niyuyurakan ng mga namumuno nito ang dignidad ng bawat tayo na isinasali nila sa kanilang masahol na mga gawain. Kanilang pinagkakakitaan ang kahinaan ng kanilang mga kapatid. Sila ay nagnanakaw hindi lamang sa mga taong kanilang binibiktima, hindi lamang sa lipunang kanilang ginagalawan kundi pati na rin kay Kristong nag-alay ng kanyang buhay para sa lahat ng mga tao na kahit ang pinakahamak ay pinag-alayan." 
~ Msgr Pacheco (isa sa mga karakter sa dulang "Anak") 

_________________________________________


Ang istoryang ito ay umiikot kay David Bernardo, anak nina Don Isaac at ni Dona Margarita. Bahagi siya ng isang marangyang pamilya. Lahat ay naiibibigay sa kanya ngunit, tila hindi pa siya kuntento rito. Iniwan niya ang kanyang pamilya noong ang kanyang ama ay naghihingalo. Kinuha nito ang mga ipamamana sa kanya ng kanyang ama at ito'y ginamit sa kanyang paglulustay para sa luho at aliw.



Sa kanyang paglisan sa kanyang pamilya, nakilala niya si Anna. Kay Anna umikot ang kanyang buhay sa mga panahong iyon. Siya'y napaibig sa babaeng ito at ganun rin naman ang sa babae. Naging maganda ang kanilang pagsasama, nahing komportable ang kanilang buhay hanggang malaman ni David na malapit na maubos ang kanyang pera. 



Nakahanap ng pagkakataon si David na kumita sa kanyang pagsali sa Axe Gang. Sa kanyang pagsunod sa utos ng supremo sa mga utos nito, siya'y nababayaran ng malaki. Ang Axe Gang ay isang grupo ng mga smugglers at mga drug dealers. Dito nakakahanap ng pagkakakitaan ang grupong ito. 

Nang napalayas si David sa kanyang tinitirhan, humingi ito ng tulong sa grupong ito upang makapagpayad ng upa. Nangako naman ng tulong ang grupo, ngunit, sa isang kondisyon. Iniutos ni Ginoong Paz, ang pinuno ng grupong ito na ipapatay ang isang paring tumutuligsa sa kanila. Ang paring ito ay ang monsignor, ang kura ng parokyang may sakop sa lugar na iyon. 

Noong una ay nagdadalawang isip pa si David sa gawaing ito, ngunit sa huli'y napapayag rin ito alang-alang sa perang kanyang makukuha. 


Ginawa niya nga. Kanyang pinaslang ang Monsignor. Hindi tulad ng kanyang inaasahan, siya'y nahuli. At nakulong. Hindi rin tulad sa kanyang inaasahan, mayroong bumisita sa kanya.


Dumating ang kanyang ama at mga kapatid. Siya'y nahiya sa kanila at sa kung ano ang kanyang kinahinatnan ngnunit siya'y yinakap ng kanyang ama at pinatawad. Tinanggap na nila si David at sinamahan siyang tanggapin ang kahatulan sa kanyang mga ginawang kasalanan. Si David naman ay natutong magbago. Kanyang napagtanto na hindi mangyayari ang mga ito kung hindi siya humiwalay sa kanyang pamilya.

_______________________________

Naging mahirap man para sa pangkat ng Santa Digna ang paghahanda, naging maganda at matiwasay naman ang pagtatanghal. Nawa'y may magandang naidulot ang istoryang aming itinanghal hindi lang sa mga nanood nito kundi pati rin sa aming mga naghanda. 

- JMBP 

_________________________

Note: The vestments used during the scene of the Holy Mass were plain costumes. The alb is a plain unused imitation of a cassock while the roman chasuble was plainly made  out of cartolina.

The Post of All Posts - The Post that Started it All

11:01pm, August 21, 2013. Writing this after four hours of thinking of a name for a blog. Never had I thought of making one, the closest one I made was at age ten at Nicksplat.com, the old website of Nickelodeon South-east Asia wherein your account is called a blog. But an actual blog like this? Well, not until today.

The monsoon has been affecting the Philippines for the past few days. As a result of the torrential rains, classes were suspended, since Monday, actually. Though there were no classes today since it was a holiday (30th Anniversary of Ninoy Aquino's Assasination/ Memorial of Pius X - had to say it, anyway), the dark clouds are still upon us and is still causing torrential rains, thus, classes are still suspended tomorrow.

This blog is a fruit of boredom - yes, a fruit of boredom. Thing is, I don't want to be idle for the next few days, since there's also a holiday on Monday, August 26th. And I also aim to make this blog a long-term thing, maybe a companion in daily realizations, reflections and maybe even meditations. And thus, this blog was born.

What do you do after someone is born? Yes, TIME TO GIVE A NAME. As mentioned above, I spent four hours thinking about a name for this blog. I tried to make my blog name as catchy as the following examples: "The Friar's Rumination", "UrDose", "ONE WITH YOU", "Lamp Upon Our Feet" and "The Pinoy Catholic" ('The Pinoy Catholic', by the way, is awesome. Kudos Sir TPC!). In my quest for a name for the blog, I had these are some of my name ideas for a blog:

"Thoughts From the Cassock" - rejected since it sounded too clerical, which I am not - not a cleric, not a seminarian, just your typical 4th year high school student

"Fumes of the Thuribe" - suggested by a friend, rejected for sounding too religious - my blog isn't a religious blog, well, okay, not always but it won't always be talking about the Church, the Catholic Faith, Liturgy etc. As said, I am your typical 4th year high school student. I also have other things in mind. Since this is my blog, MY BLOG, MY POSTS.

"If I Only Had A Pulpit.." - in all honesty, this was supposed to be the name of the blog until I realized that some people might take this negatively so there you go, back to searching a name.

"My Unsung Song" - another awesome entry but apparently, this is self contradictory. in this blog, I shall be expressing my thoughts and other ideas and thus, this song isn't going to be unsung for long

"From the Pews" - I found this too religious for a blog which also caters to stuff other than religion.

"Sharing the Fruits of My Contemplation" or "Fruits of Contemplation" - an awesome idea but it sounded to serious for this blog - but still an awesome idea (intercede for us, Holy Father Dominic!)

"From My Cluttered Mind" - what? Who would read entries from a blogger with a cluttered mind?

Those were four exhausting hours thinking of a good name for this blog. I then realized that for quite some time already, I have been looking for something I am very unsure of. I didn't know what I was finding that's why I rejected all the name ideas. Therefore, those four hours was just A QUEST FOR SOMETHING - not of nothing though, I was pretty sure I was looking for something, I was just unsure of it. And thus, the name - "THE QUEST FOR SOMETHING".

I mentioned above that I have never expected making a blog and now, here I am. Maybe, there's a good reason why I thought of making this one. That, of course is something that I am unsure of now but probably we'll all know in the future.


Finished this blogpost a few minutes after 12:00am, August 22, 2013 - Feast of the Queenship of Mary.
Ave Regina Caelorum!